Monday, January 22, 2007

it was never the right time to say goodbye..

it was never the right time to say goodbye..hehe.. nakaka lss ang kantang yon kse naman nandito na sa aking vlog..nagpapaka emo tayo pareeee:P hehe


anyway, prelims just finished today...kasi naman ang mga propesor namin ay hindi dumating nung araw ng test namin.pag-intayin daw ba kame..ayus talaga.. hay nako

prelims-..may feeling ako everytime na nagtetest at yun ay ang feeling na babagsak..ayun..
nakakatakot kaya..feeling mo lagapak ang bawat pagsusulit na kinukuha mo..feeling mo laging may palpak.. bat kaya ganun noh? ewan ko..yun yung naffeel ko everytime na may exam e..LAGAPAK..hehe

transfer-hmm..hanggang ngaun iniisip ko pa rin kung talagang desidido ako lumipat. kse iniisip ko na kung lilipat ako, dapat alam ko na ang mga pwe2deng mangyari, dapat handa na ako sa kung ano mang darating, dapat dapat dapat..

may mga iba pa akong iniisip..actually, na ppressure nako..
hindi lamang halata sa muka ko na natataranta na ako pero sa totoo lang kabado na ang pakiramdam ko.
kasi naman una, pag napaguusapan ng mga kablock ko ang 2nd year, o kung ano mang paksang may kinalaman sa next year, laging sumasagi sa isip ko na hindi ko na maabutan yun kasi nga bka sakaling nakalipat na ko. yun..laging nasa utak ko yun. hindi ko naman kagad masabi sa kanila na mukang seryoso ako sa paglipat. ksi naman pahirapan kung sabhin sa kanila..ang daming pwedeng masabi sa gagawin kong kilos, madaming reaksyon..bakit ganito, bakit ganoon..mahirap din pala e..

(parang tama din yung title ko at ung kantang napapakinggan nyo sa topic ko.hehe..hindi nga lng tungkol sa LAB..hehe)

tapos..mahirap din palang iwanan ang mga nakilalang kaibigan (nakampuch!!!) sympre isang school year din naman ang napagsamahan..mahirap narin. marami na ring nangyari sa 1st year mo sa kolehiyo.. tapos yung mga holy na kaibigan mo halos andun din..nakakasabay pa kapag uwian..nakakasalubong kapag palaboy-laboy lang sa carpark..
yun yung mga naisip ko kapag naiisip ko yung paglipat

meron pa pala.. kapag napapadaan kami sa may up, laging nababanggit ng tatay ko na sana daw next year ay dun na nya ako susunduin..o..isa nanamang pressure yun.. halos nga sya lahat ang nagaayos ng mga kailangan ko e..
sya yung tumatawag kung ano ang mga requirements para makalipat..in fairness naman, talagang gusto nya na makalipat ako, talagang ginagawa nya ang lahat..
kaso iniisip ko na baka hindi naman umabot yung grade ko sa gustong requirement ng up..pano un?

iniisip ko rin na kung makalipat ako, mura ang tuition fee!! ayus! kaso 1st year nanaman ako..ayus lng..wala na kong paki..

nagdadalawang isip pa ako sa paglipat.. :D gulo na ko..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home