carpe diem
seize the day as what my title says..
how can i seize the daY? pano pano pano??
bkit nga ba ganoon? nakakalungkot..
naniniwala ako sa sabihang kapag masaya ka nakaraang araw, o di kaya'y nasiyahan ka ng sobra, asahan mo na ang sunod na araw ay siya namang ikalulungkot mo.
naniniwala ako dun..ewan ko kung bakit.. siguro dahil naranasan ko na ang mga pangyayaring nasobrahan ako sa tuwa..hanggang sa naiyak ako sa kalungkutan..
may mga bagay-bagay na hindi ko malubos na maintindihan
hanggang sa ngayon ay may prinoproblema pa rin ako na dati ay nasa akin na..
wala atang koneksyon ang pamagat ko sa aking sinasabi ngayon.
pero..akin namang iniisip na lahat ng pangyayaring nararanasan ko ay may katumbas na rason..kung bakit iyon ang nangyari..na ang Diyos ay may mas magandang ipagkakaloob sa akin..
laging nasa bukambibig ko ang salitang SANA at BAKIT
sana ganito..sana ganyan..
bakit ganoon..bakit ganyan..
puro pagsisisi at katanungan..
hindi ba ako nagsasawa sa sisi at sa tanong?..hindi..at oo... malabo hindi ba?
hindi dahil gusto kong inaalam at sinusuri kung bakit hindi ko nagawa ang tama..kung bakit hindi na lamang nangyari ang gusto kong mangyari..
oo dahil sa aking pag-iisip, nawawalan na rin ako ng pag-asa na ibahin o di kaya'y itama pa ang dapat..lalo lamang ako nalilito at napapa-isip pa ng iba..mas pinapalala ko lamang kung patuloy akong mag-iisip at magtatanong sa sarili..
pero sa tulong ng nasa itaas..ako'y magiging malakas..kakayanin ang anumang pagsubok na ibigay...
ito..narealize ko lang ngayon na masaya pa lang magbasa ng bibliya..seryoso
samahan mo pa ng kantang himig heswita..o ka'y sarap magisip..magpasalamat..
3 Comments:
shoot mehn eh what about, yung sunday ko diba? grabe.. sobrang down ako ngayon. haha. super.
watda
hay nako! ganun talaga..grr..
Post a Comment
<< Home